para sa yo…

lola, marco & i

lola, marco & i

alam ko po matagal na tayong di nagkita at wala ring communication namagitan sa’tin mula ng iniwan kita sa pilipinas. pero sa tutoo lang lola, never po kayo’ng nawala sa isip ko. matagal ko pong pinag-isipan yong desisyon ko noon. alam ko po di nyo siguro maintindihan pero sa pagkakataon na yon, yon pa rin ang tama. sana lola, sa tagal nating magkasama di ka maniniwala sa mga bintang ng iba.

maraming masasakit na salita ang bumitiw sa babae’ng yon tungkol sa kin. at wala pong katotohanan lahat yon. sa lahat po ng ginawa ko para sa inyo ni lolo ako pa rin ang lumabas na masama. nagbago po ang buhay ko noong naging responsibilidad ko kayo ni lolo pero hindi ko po inisip yong mga yon kasi mahal ko po kayo. parte kayo ng mom ko & habang makapiling ko kayo para na ring pinagsisilbihan ko si mom. and when it comes to that lady, di ko lang po alam kung kanino ka maniniwala… pero alam ko, pag-galing sa anak (kahit gaano sya kasama na tao) mas madali sigurong unawain kesa sa taong apo mo lamang. so ipauubaya ko nalang sa Diyos ang katotohanan.

Lola, Lola & Us

We miss you Lolo & Lola!

pati naman noong nabubuhay si mom, konsomisyon na po sa buhay nya yong babae’ng yon. noong maliit pa ako, she had her way of making me feel bad about myself & about the people sa buhay ko. and ngayong di na po ako bata, alam ko pong di ko sya mababago. nagsulat sya sa akin noon. nagbintang ng kung ano-ano & closed it with her name… pangalan lang, omitting “auntie”. Yon ang pamamaraan nya’ng linawin na di na ako parte ng buhay nya & wala na akong saysay bilang pamangkin nya. and looking back, i came to the realization na never nya ako mamahalin & malaking gulo ang haharapin ko sa pagkakataong magsama tayo sa iisang bahay as i promised to you before. pero dahil sa kanya, alam ko po, kahit masakit tama pa rin ang naging desisyon ko. masakit & til this day, lalo na’t wala na si lolo lagi po akong bumabalik sa araw na yon noong iniwan kita. binulong mo sa kin na sana balikan kita. it was the hardest decision to make but i had to do it for my family who also reminded me na apo lang ako at may mga anak po kayo na dapat umako sa mga responsibilidad nila sa inyo bilang anak ninyo. sa pag kawala ni lolo, alam ko sa piling ng Diyos, alam na nya yong katotohanan. Alam nya na minahal ko kayo ng sobra-sobra & never yon nagbago… at kailanman, di pa rin magbabago yon.

always in our hearts - never forgotten

always in our hearts - never forgotten

Sabi ni inzan, nangungulila daw kayo sa min. Gusto mo raw kami’ng makita’t makausap. Sabi rin nya, wag ko na raw isipin ang mga nakaraan kasi po matanda na kayo. Dapat “we should give her our best” ang sabi po nya. Gugustuhin ko man lola, as i always do… di ko po magagawang tumawag sa yo. I don’t think kasi Lola na kaya kong malimutan yong mga nasabi noon tungkol sa kin at ayoko nanamang bumalik sa sakit na yon. Nangungulila din po ako sa inyo Lola. Mis na mis ko na po kayo. I distanced myself from everyone dyan kasi alam ko mas mabuti po yon para sa inyo & para po sa katahimikan ko. Ang consolation ko lang sa lahat ng mga nangyari ay ang matinding tiwala ko sa Diyos na di ka pababayaan. Alam ko kung hindi nyo po maramdaman ang pagmamahal namin sa inyo sa ngayon, he will replace it with a peace in your heart knowing na Sya lang po ang makakabigay. Naniniwala din po ako na balang araw, maiintindihan mo ako & i pray na inspite of it all lalabas rin ang tutoo… yong simpleng katotohanan na mahal na mahal ko po kayo & never po nagbago yon.

alam ko po, chances are, di nyo mababasa to… pero i believe na God is in control. I love you Lola. I miss you very much & you’re always in my thoughts & prayers & di po kayo mawawala sa puso ko. sana, kahit papaano, alam mo yon.

always,

R

There are no comments on this post

Leave a Reply